Drowning with words
We are in a world where words can be seen wherever. Democracy is not something we need to fight for, now.
Words are in the streets, vandals on the walls; newspapers; radio, tv; the net.
Researchers say that an average male, speaks 6073 words per day, while female, 8805.
What if the words we say would be limited to, let’s say, 1,000 words per day.
What words would you say?
Mansanas
Mapait ang bawat tikim ko sa binigay mong mansanas
Pinilit lunukin ang balat na mala-buhangin
Ang lamang sumusuka ng dayap
Pero ginawa itong padaanin ng lalamunan
Naglaro pero muling umakyat
Muling naramdaman ang tamis
Tamis na kailangan ng iluwa

Magkano… Nang mabili na.
Ikaw, at ang ilang bilyong tao sa mundo, ang gusto ay pera. Oo. Pera. Pag labas mo sa kalsada, sasabihin sayo ng mga pulubi, pahingi naman po ng barya. Habang naglalakad at may makasalubong, ang sasabihin sayo ay pautang. Pag-uwi mo ng bahay, Ma pahingi naman ng pera. Lahat ginagawa natin para dito. Nandyan ang mag-aaral tayo ng 15 na taon, pipiliting magtapos ng pag-aaral, para pagkagraduate ay makakuha kaagad ng trabaho. Para magkasweldo. Para magkapera. [Para sumaya]
Pagkatapos mong makuha ang “gusto” mo, ano na nga bang kasunod?
(Insert *ang mga kasunod* here)
Nabibili ba ang lahat ng pera?
Magkano… Nang mabili na.

Kailangan bumalik kung saan nagsimula.
Sayang. Hinanap ko ang kaligayahan ko sa iba’ibang mga bagay. Maraming mga bagay. Babalik din pala ako kung saan ako nagsimula.
Ang hirap lang, stranded nako. Di nako makabalik.
At kung makabalik man ako, baka wala na siya kung saan kami nagsimula. Nakalayo na.
Ayos lang naman kung di na kami magkita kung saan kami nag-umpisa.
Ang mahalaga ay magkasama kami sa huli. At makapagsimula ulit.
Kahit ilang beses umulit.
Basta bumalik lang ang lahat kung saan ito nagsimula.